Dear Friend,
Matagal ko ng balak sumagot dito sa email mo pero magulo ang isip ko kaya pinagpaliban ko muna.
Bago ang lahat, ibig kong malaman mo na pagkatapos kong pindutin and SEND button, ako ay nag-log off at pumunta ng Cubao dahil may inuutos ang ate ko. Kasalanan ko at hindi ako nagtext sayo na offline na ako at sana hindi ka na naghintay na sagutin ang mga tanong mo. Akala ko kasi maliwanag na mag-eemail lang ako saiyo ng saloobin ko at hindi tayo magchachat o mag-uusap sa paraan ng pag-email. Ang nais ko kasi noon, mabasa mo ang aking saloobin at maintindihan ng maigi. Sa aking palagay, medyo mabigat at malalim ang aking binitiwang mga salita sa aking email at kailangan mo ng kaunting panahon para pag-isipan at magnilaynilay dito. Hindi ako umasang makakatanggap ng agarang sagot mula sayo. Kaya laking gulat ko nang mabasa ko kinagabihan ang lima (5) mong email.
wow ur great so may i know ur decision now do you accept me or not, do u love me or not i must be honest mahal kita not 4 physical but within i felt that way can u blame me for that ,, i appreciate ur kindness ur utterances wow very impressive and substancial ... i love u more for that ... pero speecheless na yata me. if u do not like me .... then i have to accept my limitations.....(5:54 pm)
may i know if i have space in ur heart (5:57pm)
friend tel me honestly.....(6:03pm)
do i have space in ur heart pls tel me to be able to know what to do i now uv been searching for the perfect one for sure im not perfect..may i know ... ur decision (6:06 pm)
tnks 4 everything silence means yes.....thanks 4 d memories ... bye fren u wont hear me no more... happy new year(6:15 pm)
Inaamin ko nasaktan ako. Ang pakiramdam ko ako ang naglalabas ng sama ng loob at ng hinaing pero ako pa ang nabigyan ng ULTIMATUM. At nagalit din ako kaya minabuti kong huwag munang sumagot .
Ang unang email ay pumasok ng 5:54 pm at ang huli ay 6:15 pm. Sa loob ng 21 minuto ay nagdesisyon kang tapusin na ang lahat sa atin. Ang tanong ko noon sa aking sarili: ang hangganan ba ng iyong pakikipagkaibigan o pagmamahal sa akin ay 21 minuto lamang?
Ang isa pang ikinasama ng aking loob ay ang laman ng unang email. wow ur great...ang bungad nito. Pinuri nito ang aking English ngunit hindi naman binigyan pansin at halaga ang laman ng aking sulat.
so may i know ur decision now do you accept me or not, do u love me or not ang sumunod na linya ng unang email. Inaamin ko nadismaya ako. At naalala ko ang isang linya ng awiting Sound of Silence ng Simon and Garfunkel: "...people hearing without listening..." Ang pakiramdam ko ako ay naririnig pero hindi pinapakinggan.
Paulitulit na akong nagsabi sa text, sa tawag at sa email na "I LIKE you very much but i can't say that i love you yet for love takes time to develop" kaya hindi ko inaasahan na ako ay tatanungin ng "Do you love me or not?"
Sa tanong na "do you accept me or not" ang sagot dito ay makikita doon mismo sa email ko: "No, i'm not closing my doors to whatever it is that is between us."
At hanggang ngayon sa araw na ito, iyan pa rin ang aking posisyon. Bukas pa rin saiyo. At iyan ang magsisilbing kasagutan sa tanong mo na "may i know if i have space in ur heart."
Ewan ko kung saan patungo ito. Pero maliwanag na hindi madali sa atin ang magkaroon ng ugnayan dahil marami tayong hindi pagkakasunduan. Ngunit kung handa naman ang bawat isa na magsakripisyo at sikaping palaguin ang relasyon, sa tingin ko lalago naman ito.
Hindi ko alam kung sasagot ka sa email na ito. Pero kung gagawin mo, sana'y hayaan mo munang dumaan ang ilang araw nang sa gayon ay mapag-isipan mo talaga ang iyong sagot at hindi lamang masulat dala ng bugso ng damdamin.
Anuman ang mangyari, may sagot ka man o wala, mananatili kang isang kaibigan.
."